Aklan News
Mayor Lachica: “Owa tang karon naka-promisa kanda”
IGINIIT ni Kalibo Mayor Emerson Lachica na hindi siya nangako sa mga benepisaryo ng NHA housing unit sa barangay Briones tungkol sa pag-refund ng kanilang mga nagastos sa pagpapakabit ng kanilang linya ng tubig at kuryente.
Aniya, maliwanag na nakasaad sa guidelines ng National Housing Authority (NHA) na isa sa mga requirement ng mga benepisaryo ang magkaroon muna ng linya ng tubig at kuryente bago mai-aaward sa kanila ang mga housing unit.
“Klaro gid una, bago sanda maka-avail it duyon nga pabahay hay sambilog nga requirement ro magpatakod sanda it tubi ag kuryente,” ani Lachica.
Saad pa ng alkalde, ilang araw nalang at bababa na siya sa kanyang pwesto ngunit ginagawan pa rin siya ng isyu na hindi naman totoo.
Pinabulaanan din ni Mayor Lachica ang kumakalat na usaping ginamit niya sa politika ang dapat sana’y pang-refund sa mga benepisaryo.
Sa katunayan ayon sa alkalde, sa panahon pa ito ng kanyang kapatid at former Mayor William Lachica at sa kanyang termino lamang nai-award.
Dagdag pa nito, ang siya lamang ang nag-abot ng susi para mga beneficiary upang ito’y magamit at matirahan.
Binigyan-diin pa ni Lachica na hindi siya nangako at hindi niya ugaling magbitaw ng pangako na hindi tama.
“Owa tang karon naka-promisa kanda, bukon ta abi it aton nga ugali nga magpromisa kita nga bukon it sa tama.”