Connect with us

Aklan News

Mayor Legaspi, wala pang napipiling kapartido na pupuno sa bakanteng posisyon ng Sangguniang Bayan

Published

on

Photo Courtesy: Mitos dayan Legaspi

Hanggang ngayon ay wala pang desisyon ang Aksyon Demokratiko kung sino ang kapartido nilang pupuno sa mababakanteng posisyon ng konseho sa Makato.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Makato Mayor Ramon Anselmo Legaspi, sinabi niya na tinitingnan pa nila ng maigi kung sino ang makakapaghatid ng magandang serbisyo sa kanilang bayan.

Nabatid na magiging bakante ang posisyon ng isang sb member sa nasabing bayan kapag pormal nang umupo bilang vice mayor si first councilor Leoncito Mationg para mapunan ang nabakanteng posisyon ng yumaong si Mayor Abencio Torres.

Kasama sa mga pinagpipiliang pupuno sa nabanggit na posisyon ang mga SB member na tumakbo sa ilalim ng partidong Aksyon Demokratiko sina Carlo Legaspi Opay, Em-em Ureta at Mark Gonzales.

Kaugnay nito, binanggit din ni Legaspi na nakatakda siyang lumipad bukas sa Manila para dumalo sa lamay ng pumanaw na alkalde ng Makato at vice mayor elect Abencio Torres na ililibing sa araw ng Sabado sa Manila Memorial Park.