Connect with us

Aklan News

MAYOR TORRES NANINDIGAN NA HINDI KAILANGANG MAGDEKLARA NG STATE OF CALAMITY SA BAYAN NG MAKATO

Published

on

Nanindigan si Mayor Abencio Torres na hindi kailangang magdeklara ng State Of Calamity sa buong bayan ng Makato kasunod ng grabeng pananalasa ng baha nitong araw ng Sabado, Oktubre 23.

Ayon kay Mayor Torres ito ang kanyang paniniwala dahil base sa kaniyang isinagawang assessment ay hindi na kailangan pang magdeklara ng state of calamity.

Aniya humupa na ang baha at na-rescue naman ang kanilang mga residente.

Katunayan aniya sa kasagsagan ng baha ay nasa opisina siya ng Municipal Risk Reduction Office o MDDRMO dahil siya ang namuno sa isinagawang rescue operation.

Wala rin umano siyang nakitang damage dahil siya mismo ay naglibot at nagsagawa ng inspection sa kanyang bayan kinaumagahan.

Pahayag pa ng alkalde na pinangungunahan umano ang kanyang mga desisyon sa kung ano ang kanyang dapat gawin.
Saad pa ng alkalde ay wala pa siyang natatanggap na kumpletong damage assessment report sa nangyaring kalamidad.

Dagdag pa nito na ayaw na sana niyang makisakay sa nasabing isyu.

Samantala, aminado rin si Torres na halos 12 barangay sa kanilang bayan ang apektado ng baha.

Pinabulaanan rin nito na hinaharangan niya ang pagsusumite ng damage assessment report sa Makato Sangguniang Bayan na siyang magiging basehan sa pagdeklara ng state of calamity.

Kung matatandaan sa panayam ng Radyo Todo kay Mr. Galo Ibardolaza ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), sinabi nito na malaki ang naging epekto ng pagbaha sa bayan ng Makato base sa naging assessment sa mga lugar na naapektuhan.

Hanggang sa ngayon ay wala pang natatanggap na kumpletong damage assessment report ang PDRRMO mula sa bayan ng Makato.