Aklan News
MDRRMO MAKATO, SINAGOT ANG ALEGASYON NG PAMILYA PIANO NA WALANG DRIVER ANG KANILANG AMBULANSYA NANG MAGKA-EMERGENCY SILA DAHIL “NAMASYAL” ITO


Gumawa ng ingay kamakailan lamang ang naging isyu tungkol sa ambulansya ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Makato na wala umanong driver.
Sa isang post ni Johnny Piano sa kanyang Facebook account, ipinahayag nito ang pagkadismaya sa Makato MDRRMO matapos silang magkaroon ng emergency at isa sa miyembro ng pamilya ang nag-agaw buhay noong Marso 1.
Iginiit ni Piano, na nang dalhin nila ang pasyente sa MDRRMO para sana madala ospital ay walang driver ang ambulansya ng mga ito.
Pero pinabulaanan ni Makato MDRRMO head Allan Pelayo ang alegasyong ito sa naging panayam ng Radyo Todo.
Paliwanag ni Pelayo, nagkataon lamang na mayroong pasyente na dinala sa Aklan Provincial Hospital ang mga rescuer na on duty noong gabing iyon.
Nagpatotoo rin ang Makato PNP sa sinasabi ng mga rescuers dahil sila rin ang humingi ng assistance ng mga ito.
Aniya pa, nagkaharap na rin ang pamilya Piano at ang team na on duty noong March 1 at nagkaayos na ang mga ito.