Aklan News
MECO AT TECO, MAGPAPADALA NG MGA BATANG MAGSASAKANG PINOY SA INTERNSHIP PROGRAM SA TAIWAN
Inanunsyo ng Agricultural Training Institute – Region 6 (ATI – 6) na maglulunsad ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) at Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) ng isang internship program para sa mga batang magsasaka na nais mag-aral at magsanay sa Taiwan.
Ayon sa website ng ATI – 6, tutuparin ng Filipino Young Farmers Internship Program ang isa sa mga mandato ng Department of Agriculture (DA) na suportahan ang mga batang magsasaka sa bansa. Tugon din umano ito sa tumatandang populasyon ng mga magsasaka sa Pilipinas.
Layon ng nasabing programa na magsanay ng mga karapat-dapat na batang magsasaka upang maging mga farm leaders at agricultural entrepreneurs.
Ang mga ipapadalang intern sa Taiwan ay mabibigyan ng kaalamang teknikal at kasanayan sa agrikultura. Kabilang sa kanilang mga matututunan ay ang mga makabagong Taiwanese farming techniques, approaches, at marketing strategies.
Ang mga interesadong kabataan na may sumusunod na mga kwalippikasyon ay maaaring mag-apply para sa internship program:
- Pilipinong magsasaka na out-of-school-youth (OSY);
- Babae o lalaki, edad 18-36 sa panahon ng pag-apply;
- Anak ng Learning Site for Agriculture/ School for Practical Agriculture/Extension Service Provide/ Farm School cooperators;
- May sinasakang lupa, kahit ano man ang laki, pag-aari man ito o hindi;
- Walang live-in partner at/o anak;
- High school graduate (Senior HS level)/ undergraduate kung nasa college level / technical and/or vocational graduate;
- Walang trabaho sa panahon ng pag-apply;
- Walang kaugnayan sa kahit sinong empleyado ng ATI;
- May isa o higit pa sa isang taong pinagsama-samang karanasan sa pagsasaka;
- Walang paso na obligasyon sa ATI sa panahon ng pag-apply;
- Maganda ang katayuan sa lipunan
- Magaling makipagtalastasan, nakakaintindi at nakakapagsaita ng Ingles;
- May pruweba na walang kapansanang pisikal;
- Handang mag-aral ng Mandarin at ng makabagong teknolohiya;
- May valid Philippine passport nang hanggang dalawa o limang taon.
- Hindi pa naging bahagi ng ibang International Exchange Programs ng ATI;
- Hindi pa bumibyahe sa ibang bansa na ang pakay may kaugnayan sa internship;
- Pumasa sa medical examination:
- Dental examination,
- chest X-ray (for Tuberculosis),
- stool examination (for parasites),
- serological test (for Syphilis),
- proof of positive measles and rubella antibody,
- examination (for Hansen’s Disease),
- skin examination for Hepatitis B and HIV/AIDS;
- ECG exam,
- drug and neuro-psychological test na gagawin sa mga diagnostic clinics, ospitals, o mga laboratory na accredited ng Department of Health.
Ang mga sumusunod naman ay ang mga listahan ng mga dokumentong kailangang ipasa:
- Personal Information Sheet (MECO-TECO Form No. 1);
- Personal History (MECO-TECO Form No. 2);
- Farming Experience Certificate na ibinigay ng Barangay Chairman at Municipal Agriculturist/Agricultural Technologist (MECO-TECO Form No. 3);
- Certification as a bonafide resident of the area and of good community standing from the Barangay Chairman (MECO-TECO Form No. 4);
- Certificate of No Overdue Obligations from ATI (MECO-TECO Form No. 5);
- Certificate on Basic English Knowledge na ibinigay ng Agricultural Technologist or Municipal Coordinator (MECO-TECO Form No. 6);
- Certificate of Commitment to Learn Mandarin and New Farming Technologies (MECOTECO Form No. 7);
- Training Certificates on agriculture and non-agriculture certified true copy by the Municipal Selection Committee Chairman or Vice Chairman, if applicable
- Sertipikasyon mula sa huling paaralang pinasukan
- Letter of Recommendation mula sa Center Director of ATI-RTC (MECO-TECO Form No. 8);
- NBI at Police Clearance;
- Narrative report from the ATI-RTCs on the selection and field validation conducted; and
- Photocopy ng Philippine Passport na valid hanggang dalawa o limang taong sa panahon ng pag-apply. Maaari ring magpasa ng proof of application na kailangang ipasa sa araw ng national exam.
Para sa dagdag na kaalaman, bisitahin lamang ang link na ito: https://bit.ly/3disOBh
Maaari rin ninyong kontakin si Lyn Bantigue sa mga sumusunod na numero: (036) 267-5951 / 0930 262 8970 /0927 206 6167.
Ang deadline ng pagpasa ay sa ika-26 ng Pebrero, 2021.