Connect with us

Aklan News

MECQ SA AKLAN, EXTENDED MULA AGOSTO 16-31

Published

on

Aklan MECQ

Mananatili pa rin sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang Aklan at Iloilo Province sa Agosto 16-31, 2021.

Batay kay Presidential Spokesperson Harry Roque, aprobado na ni Presidente Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga bagong quarantine classification ng bansa.

Isasailalim din sa Modified Enhanced Community Quarantine mula sa pinaka-istriktong ECQ ang Iloilo City, Cagayan De Oro City at Laguna.

Ang National Capital Region ay mananatili sa Enhanced Community Quarantine hanggang Agosto 20 gayundin ang Bataan.

Ang iba pang lugar na nasa MECQ ay ang Apayao, Ilocos Norte, Bulacan, Cavite, Lucena City at Rizal sa Region IV-A at Lapu-lapu City, Mandaue City at Cebu City sa Region 7.

GCQ with heightened restrictions umpisa August 16-31, 2021 ang Ilocos Sur; Cagayan; Quezon at Batangas sa Region 4-A at Naga City para sa Luzon; Antique, Bacolod City at Capiz sa Region 6; at Negros Oriental at Cebu para sa Visayas; Zamboanga del Sur; Misamis Oriental; Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental at Davao de Oro sa Region 11 at Butuan City para sa Mindanao.

Samantala, ang Tarlac ay isasailalim sa GCQ mula August 13 hanggang August 31, 2021.

GCQ rin ang Baguio City sa Cordillera Administrative Region; Santiago City, Quirino, Isabela Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A at Puerto Princesa para sa Luzon; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, Zamboanga City at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands sa CARAGA at Cotabato City in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.