Connect with us

Aklan News

MEDIA, HANGGANG SA LOBBY NA LANG NG AKLAN PROVINCIAL HOSPITAL, PINAGBAWALANG PUMASOK SA MGA WARD

Published

on

Photo file: Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan 88.5 fm

Bawal nang pumasok ang mga media personnel sa mga ward ng Aklan Provincial Hospital sa kabila ng pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa probinsya at pagluwag ng mga COVID-19 restrictions.

Sa panayam ng Radyo Todo sa bagong acting administrator ng pampublikong ospital na si Eumir Raymond Atienza, pwedeng pumasok ng pagamutan ang mga media pero hanggang sa lobby lang sila ng ospital.

Nakasaad raw kasi sa kanilang polisiya ang no visitor’s policy bukod sa isa lang dapat ang bantay ng pasyente sa loob ng ospital at sa katunayan ay isang taon na nila itong ipinapatupad.

Pahayag niya, hindi libre sa naturang polisiya ang mga media personnel dahil maituturing din silang bisita.

Kahit bumaba na umano ang cases na naitatala sa Aklan ay kailangan pa rin ng masusing pag-iingat para hindi na maulit ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Bukas naman raw ang mga telepono sa mga ward ng ospital para gamitin kung may kailangan silang tawagan na mga pasyente sa loob ng ward.

Ito ay bahagi umano ng kanilang pag-ingat ngayong hidi pa natatapos ang pandemya na dala ng nakakamatay na COVID-19.