Connect with us

Aklan News

Media, ituring na kakampi at hindi kaaway ng PNP – PBGEN Villaflor

Published

on

BINIGYAN-DIIN ni PBGen. Sidney Villaflor, Acting Regional Director ng Police Provincial Office (PRO) 6 na ang miyembro ng media ay dapat ituring na kakampi at hindi kaaway ng PNP.

Ito ang bahagi ng kanyang mensahe sa kanyang isinagawang command visit sa Aklan Police Provincial Office nitong Hunyo a-22.

Ayon kay Villaflor, ang media ay maituturing na “double-edged sword” dahil kapag nakagawa ng mabuti ang mga kapulisan at nalaman ito ng media ay malaking tulong ito para maipa-abot sa publiko ang kanilang magandang nagawa.

Ngunit kapag nakagawa naman aniya ng kasalanan ang isang pulis, mayroong obligasyon ang media na isiwalat ito sa publiko at malaman ng lahat ang hindi tamang ginagawa ng kapulisan.

Dagdag pa ng opisyal, nakakatulong sa mga kapulisan ang media dahio ito ang nagiging medium upang mapigilan at maiwasan na makagawa ng kasalanan ang mga kapulisan.