Connect with us

Aklan News

Media man at isa nitong kasamahan, arestado sa paglabag ng social distancing

Published

on

Boracay Island – Hindi pinalagpas ng mga otoridad ang isang media man at ang isa nitong kasamahan matapos mahuli dahil sa paglabag ng Social Distancing sa ilalim ng Executive Order 020 sa Sitio Lugutan, Brgy. Manocmanoc, Boracay dakong 5:30 kahapon.

Inaresto sina Johnny Ponce, 34 anyos, media man at kasalukuyang nakatira sa Brgy.Balabag, Boracay at Joe Vincent Omanita, 27 anyos, kasalukuyang nakatira sa Brgy. Manocmanoc Boracay.

Base sa imbestigasyon ng Boracay PNP, napansin ng municipal security guard ang dalawang katao at isa sa mga ito ay senior citizen kung kaya’t pinuna nila ito at hinananapan ng quarantine pass at agad na pinauwi.

Ilang minuto pa ang nakalipas napansin din ng mga bantay and dalawang lalaking nakamotor na sina Omanita na nagsilbing driver at angkas na si Ponce na nasa impluwensya ng alak.

Sinita ng mga guwardiya ang dalawa hanggang sa nauwi sa komprontahan ang kanilang usapan dahil sa pagbibigay konsiderasyon umano ng mga guwardiya sa naunang senior citizen.

Nagbitaw pa umano ng masasakit na salita si Ponce resulta ng kanilang pagkakaaresto.

“Walang silbi uniform niyo kung magtindog lang kamu da, lagsa niyo to!” saad umano ni Ponce sa mga guwardiya.

Sa ngayon, inihahanda na ng mga kapulisan ang karampatang kaso para sa dalawa na nakapiit ngayon sa lock-up cell ng Malay PNP.