Connect with us

Aklan News

Mekanikong nadakip sa pagbebenta ng iligal na droga sa bayan ng Kalibo, nagpositibo sa paggamit ng shabu

Published

on

NAGPOSITIBO sa paggamit ng iligal na droga ang mekanino na nadakip ng mga otoridad sa sa Purok 6, C. Laserna St., Poblacion, Kalibo.

Matatandaang nahuli ang suspek na si Jun Ledesma sa isinagawang Drug Buy-Bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Kalibo PNP at PDEU Aklan nitong Martes ng hapon.

Nabilhan si Ledesma ng isang sachet ng suspected shabu kapalit ng P7K na buy bust money.

Sa body search naman nakuhaan ang suspek ng mga lighter, toother at sachet na may residue ng suspected shabu.

Dati rin na sumurender ang suspek sa mga otoridad sa kasagsagan ng Oplan Tokhang ng administrasyong duterte

Sa ngayon ay nahaharap si ledesma sa kasong paglabag sa Section 5, 11, 12 at 15 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Via Kiervy Revesencio

Continue Reading