Connect with us

Aklan News

Menor de edad hinuli ng pulis matapos mag-masturbate sa harap ng dalagang pasahero sa loob ng bus

Published

on

HINULI ng mga kapulisan ang isang menor de edad matapos mag-masturbate sa harap ng dalagang pasahero sa loob mismo ng isang pampasaherong bus nitong Miyerkules.

Ayon sa 22-anyos na biktima, nangyari ang malaswang aktibidad ng suspek habang nasa biyahe sila patungong bayan ng Kalibo.

Kwento nito, sumakay siya ng bus sa bayan ng Balete at naupo sa likurang bahagi kung saan wala siyang ibang katabi.

Samantala, pagdating sa bayan ng Banga ay sumakay ang CICL at namahagi ng mga sobre upang mamalimos.

Binigyan naman ito ng dalaga at nagpasalamat pa umano ang naturang menor de edad.

Nang malapit na sila sa bayan ng Kalibo, partikular sa terminal ng bus ay muli na namang bumalik ang CICL at naupo sa kanyang tabi.

Tumama umano ang siko ng menor de edad sa kanyang tagiliran kaya napatingin siya dito ngunit nagulat na lamang siya ng makitang hawak na nito ang kanyang ari at nagma-masturbate.

Dito na kinabahan ang biktima dahilan upang manginig ang kanyang buong katawan at hindi na siya nakapagsalita.

Sa kabila nito ay sinubukan niyang kalabitin ang pasahero sa kanyang harapan upang humingi ng tulong.

Kaagad naman itong nakapagbigay-alam sa mga otoridad kung kaya’t pagdating sa terminal ng bus ay hinuli ang CICL.

Dinala ito sa WCPD ng Kalibo PNP at itinurn-over sa MSWDO para sa karampatang disposisyon.

Samantala, nagpahayag naman ang dalaga na kailangang maturuan ito ng leksyon upang hindi na maulit sa iba ang nangyari sa kanya.

Ang naturang insidente ay nagdulot ng trauma sa biktima.