Aklan News
Menor-de-edad, kinurot ng umano’y mentally-challenged; bahay, binato pa


Kinurot ng umano’y mentally-challenged individual ang isang menor-de-edad at binato pa ang salamin ng kanilang bahay sa Estancia, Kalibo, nitong Martes, Abril 29.
Ayon sa tiyuhin ng nasabing menor de edad, dakong alas-6:00 nitong umaga nang batuhin ang kanilang bahay ng umano’y mentally-challenged individual.
Dahil sa nangyari, nabasag ang kanilang glass door.
Napag-alaman na bago pa man ang insidente ay kinurot rin ng parehong indibidwal ang pamangkin nitong menor-de-edad.
Samantala, minabuti naman nitong ipa-rekord ang nangyari sa Kalibo Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading