Aklan News
Menor de edad na miyembro ng LGBT huli sa curfew; mga kasama nakatakas
Pansamantalang ikinustudiya ng Kalibo Pnp ang isang menor de edad na miyembro ng LGBTQIA+ matapos mahuli sa paglabag ng curfew sa bayan ng Kalibo.
Sinasabing nasa 17-anyos palang ito at residente ng bayan ng Altavas.
Batay sa impormasyon, nagpapatrolya umano ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Poblacion, Kalibo kagabi nang madaanan ang halos 10 mga menor de edad.
Ngunit nang tumigil umano sila para hulihin ang mga ito ay mabilis na nakatakbo ang iba at isa lang ang nahuli na sa ngayon ay nasa kustodiya parin ng mga otoridad.
Continue Reading