Aklan News
Menor de edad na naki-usyoso sa gulo, nasaksak sa dibdib


Nasaksak sa dibdib ang isang binatilyong nakiki-usyoso lang sana sa nangyaring gulo kagabi sa C. Laserna Street, Brgy. Poblacion, Kalibo.
Batay sa pulisya, naglalakad ang biktima kagabi nang makita nito na may nangyayaring kagulhan sa may Purok 5.
Lumapit dito ang biktima at walang anu-ano’y pinuntahan siya ng suspek na si Jomar Calixto, alyas “Toktok” ng Purok 6, C Laserna at sinaksak sa kaliwang dibdib.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang traysikel.
Pero agad naman itong nahuli sa manhunt operation ng mga kapulisan at kasalukuyan nang nakakulong.
Continue Reading