Connect with us

Aklan News

Menor de edad nagnakaw ng bike at tinangka pang i-swap, nabisto ng may-ari

Published

on

Nabisto ng may-ari ang lalaking menor de edad na nagnakaw ng kanyang bisikleta matapos nitong subukan na makipag-swap sa iba.

Ayon sa may-ari ng bike, noong Setyembre 16, 2024 pa umano ninakaw ang kaniyang bike habang nakapark sa garahe ng kaniyang apartment sa may Roxas Avenue Ext, Andagao, Kalibo.

Nito lang Huwebes ng umaga, may nakapagsumbong sa kanya na tinatangkang i-swap ng isang menor de edad na nakatira sa likod lang din ng kanyang apartment ang kanyang bike.

Agad nila itong pinuntahan kasama ang mga pulis at nakumpirmang naroon ang kaniyang bisekleta.

Tagumpay na naibalik ang bike sa biktima at inirefer ang insidente sa Brgy. Justice System ng Andagao.