Aklan News
Menor de edad tinaga ang lasing na nakaaway ng kanyang ama
Tinaga ng isang menor de edad ang isang lasing na nakaaway ng kanyang ama kagabi sa Brgy. Tina, Makato.
Napag-alaman na ang biktima ay 41 anyos at ang suspek naman ay 16-anyos pa lamang.
Ayon kay Kagawad Edwin Almero ng Brgy. Tina, nag-ugat ang insidente matapos na may nagsumbong umano sa biktima na pinagbintangan ito ng tatay ng suspek na nagnakaw ng mga kahoy na inuuling.
Kinompronta naman ng biktima ang tatay ng suspek na nauwi sa bangayan at away.
Nakita naman ito ng 16 anyos na suspek at tinaga ang biktima.
Pansamantalang ikinustodiya ang mag-ama sa Makato PNP pero nagkaroon naman ng settlement sa pagitan ng magkabilang panig at napagkasunduan na tutulong na lang ang suspek sa mga bayarin sa ospital ng biktima.
Continue Reading