Connect with us

Aklan News

MGA ABANDONADONG PINUTOL NA KAHOY, KINUMPISKA NG MALINAO PNP

Published

on

Malinao – Nasa kustodiya ngayon ng Malinao PNP ang mga abandonadong pinutol na kahoy sa San Roque, Malinao.

Ayon sa Malinao PNP, nasa 62 piraso ng kahoy na Hanlagasi ang kanilang dinala pabalik sa presento matapos Ang mga itong bilangin at idokumento ng mga taga PENRO Aklan na siyang humingi ng police assistance alas 8:45 kagabi papunta sa nasabing lugar.

Nabatid na kabuuang 950 board feet ang mga pinutol na kahoy na iba’t-iba ang laki, at nagkakahalaga ng mahigit P23, 763.00.

Nakatakda namang iturn-over o ipagkatiwala ng Malinao PNP sa kustodiya ng DENR ang mga nasabing kahoy.

Ayon pa sa kapulisan, posibleng ‘ready for pick up’ na ang mga kahoy, subalit naisumbong sa mga otoridad, rason ng pagkakakumpiska ng mga ito.