Aklan News
MGA AKLANON STRANDED WORKERS SA BORACAY, SINIMULAN NA ANG PAGPAPAUWI
Malay, Aklan- Nagsisuwi na sa kani-kanilang lugar sa mainland Aklan ang mga stranded workers mula sa isla ng boracay at bayan ng Malay.
Kanina lamang naka-uwi na ang 14 na manggagawa sa bayan ng Balete at ilang mga workers na taga Numancia ay napa-uwi na rin noong April 25 (Sabado).
Maraming mga manggagawa ang nawalan ng trabaho at nastranded sa Malay dahil naabutan ito ng lockdown roon.
Ayon kay Acting Municipal Mayor Frolibar Bautista sa mga nagnanais umuwi ay kailangan lamang sumunod sa protocol at koordinasyon sa lokal na gobyerno.
Kailangan lamang umanong makipag ugnayan sa Public Employment Service Office (PESO) pagkat ito ang inatasang magproseso sa mga manggagawa para makauwi.
Kailangan ding kumuha ng medical certificate mula sa Municipal Health Office(MHO) ng Malay at ipadala sa barangay kung saan residente ang nasabing empleyado.
Hihintayin namang makapagpadala ang naturang barangay ng certification bilang sagot na pwede nang umuwi sa kanilang barangay ang mga manggagawa.
Higit isang buwan na ang pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine sa probinsiya, kung saan mahigit isang libo pang workers sa Malay ang kasalukyang nananatili.
Sa ngayon patuloy na ang koordinasyon ng iba pang bayan at mga lalawigan sa LGU Malay para tuluyan ng mapauwi ang mga natitirang stranded workers.