Connect with us

Aklan News

Mga aktibidad sa Boracay, tuloy kahit wala si Pang. Duterte

Published

on

Photo courtesy| www.boracayinformer.com/www.philstar.com

Kalibo, Aklan – Tuloy pa rin ang mga nakalatag na aktibidad ngayong araw sa isla ng Boracay kahit na kanselado ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta, tuloy ang pamimigay ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mahigit 31 na mga agrarian reform beneficiaries sa isla ng Boracay.

Ang naturang aktibidad ay hindi lamang provincewide kundi regionwide na pangungunahan ni DAR Secretary John R. Castriciones saad pa ni Ibaretta.

Magugunitang una nang namahagi ng CLOA si Pang. Duterte sa isla taong 2018.

Maliban sa pamimigay ng CLOA, layon din sana ng pagbisita ng pangulo ang pag promote ng local tourism sa Boracay sa gitna ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Samantala, ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, imo-move ang schedule ng pangulo sa mga susunod na araw ngunit wala pa itong nabanggit kung kailan ire-reschedule ang naudlot na pagbisita.