Aklan News
MGA AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA AKLAN, NANANATILING HIGIT 100


Nananatiling 111 ang active COVID-19 cases sa Aklan.
Mula sa nasabing bilang, 97 ang naka-facility quarantined at 14 ang nasa ospital.
May 18 bagong kaso kahapon, 6 sa mga ito ay may unknown exposure o di alam kung saan nanggaling ang virus habang 12 naman ang nagkaroon ng contact sa mga nauna nang nagpositibo sa sakit.
Sumatutal, sumampa na sa 1,027 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Aklan at patuloy itong binabantayan.
Nangunguna pa rin ang bayan ng Kalibo sa may pinakamaraming naitalang kaso, sa ngayon mayroon na itong 429 total cases, sinundan ito ng 114 ng Numancia, 82 sa Banga, 53 sa Malay, 46 sa Makato, 45 sa Libacao, 39 sa Lezo, 32 sa Ibajay, 31 sa Malinao, 30 sa New Washington at Madalag, 25 sa Altavas, 23 sa Balete, 13 sa Batan, 11 sa Buruanga, 11 sa Tangalan, at 9 sa Nabas.