Aklan News
MGA AMERIKANO, NANGUNGUNA SA MGA DAYUHANG NAGBAKASYON SA BORACAY NGAYONG MAYO
Karamihan sa mga dayuhang bumisita sa isla ng Boracay ngayong Mayo ay mga Amerikano o mga turistang galing sa United States.
Noon lamang Mayo 1 hanggang a-19, umabot sa 2,626 ang mga dayuhang nagbakasyon sa isla batay sa Malay Municipal Tourism Office.
Sa nasabing bilang, 465 ang galing sa USA.
Pumapangalawa ang mga Korean nationals na umabot lang sa 238.
Pumapatak naman sa 236 ang arrivals mula sa mga taga UK na sinundan ng 190 na mga Australian nationals habang 107 naman sa Japan.
Samantala, 108,987 naman ang domestic tourist arrival na naitala ng lokal na gobyerno batay pa rin sa tala ng tourism office.
Sa datos nitong nakaraang buwan ng Abril 2022, umakyat sa 179,075 ang domestic tourist, 2,939 OFWs at 4,737 foreign tourist na namasyal sa tanyag na isla na sikat sa puti at pino nitong buhangin.