Aklan News
Mga armas ng CTG, narekober ng tropa ng gobyerno sa Brgy. Dalagsaan, Libacao


Narekober ng mga tropa ng Philippine Army ang arms cache o mga armas na hinihinalang pagmamay-ari ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Brgy. Dalagsaan, Libacao, Aklan nitong Lunes, Abril 14.
Sa ulat ng 82nd Infantry Battalion at Phillipine Army, ang mga narekober na armas ay kinabibilangan ng isang U.S. M2 .30 Carbine, dalawang anti-tank mines, 15 rounds ng 40mm high-explosive cartridges, 178 rounds ng linked 7.62mm na mga bala, 49 rounds ng 7.62mm ball ammunition, apat na AK-47 magazines, at mga piyesa ng M14 rifle.
Pinaniniwalaan na ang mga armas na ito ay itinago ng mga miyembro ng Komiteng Rehiyon-Panay (KR-Panay), na ang ilan sa kanila ay mga sumuko na.
Ang operasyon ng mga awtoridad ay nagsimula bandang alas-9:00 ng umaga nitong Lunes matapos silang makatanggap ng mga ulat mula sa “white areas” ng Kalibo at New Washington.
Dagdag pa ng 82nd IB, ang mga ito’y patunay sa humihinang impluwensya ng mga rebelde gayundin ang pag-agapay ng komunidad upang wakasan ang suporta sa mga Communist Terrorist Group.l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading