Connect with us

Aklan News

Mga asong gala, dog pound, problema parin ng Roxas City: konsehal

Published

on

ROXAS CITY – Problema parin ngayon ng pamahalaang lungsod ng Capiz ang mga asong gala at ang dog pounding area ayon kay Konsehal Midel Ocampo.

Sa kanyang privilege speech sa session ng konseho nitong Martes, madalas umano niyang napapansin ang mga asong gala tuwing gabi.

Ikinabahala niya ang aksidenteng pwedeng maidulot ng mga asong gala lalo na sa mga motorista na minsan ay nauuwi pa sa pagkamatay.

Ayon sa konsehal, nakita umano niya sa budget ng syudad na may inilaang pondo para sa konstruksiyon ng dog pound subalit wala paring naisasakatuparan.

Sagot ni Konsehal Trina Ignacio, ang problema umano ng City Veterinary Office bagaman may pondo na para sa pounding area ay ang lugar na pagtatayuan nito.

Sinisisi naman ni Liga ng mga Barangay President Jojo Santos ang mga tao sa sadyang pabaya nila sa kanilang mga aso.

Iminungkahi nina Konsehal Moring Gonzaga at Ignacio na palawakin ang impormasyon sa mga kabarangayan at magtakda ng mga regulasyon sa pag-aalaga ng mga aso.

Sang-ayon naman ang mga ibang konsehal na dapat ay pag-aaral muna ng konseho ang usaping ito at busisiin ang mga ordinansa kaugnay sa mga asong gala nang sa gayon ay maipatupad ito ng mabuti.