Connect with us

Aklan News

MGA ATI SA BORACAY, BAKUNADO NA VS COVID-19!

Published

on

Nakatanggap na ng bakuna kontra COVID-19 ang mga katutubong ati mula sa Ati village, Lugutan Manocmanoc, Boracay Island nitong Martes.

Mula sa 136 target na mabakunahan na may edad 18 taong gulang pataas kasama na ang tatlong mga madre, 129 lang ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine.

Pito kasi sa kanila ang hindi natuloy sa pagpapabakuna dahil sa lagay ng kanilang kalusugan.

Ginanap ang immunization activity sa Paradise Garden Hotel at CityMall Boracay bilang parte ng pagsusumikap ng Department of Health (DOH) na makamit ang herd immunity sa isla.

Ang COVID-19 vaccination sa probinsiya ay nagsimula noong March 2021 at patuloy pa rin ang implementasyon sa buong lalawigan para maprotektahan ang mga mamamayan laban sa COVID-19.