Aklan News
Mga babaeng empleyado ng LGU Tangalan, makaka-avail ng ‘Menstruation Day Privilege’ na 2 araw


Maari nang mag work from home (WFH) ng dalawang araw ang mga babaeng empleyado ng LGU Tangalan sa tuwing sila ay magkakaroon ng buwanang dalaw.
Ito ay dahil sa ipinasang Tangalan Ordinance No. 2022-214 o “An Ordinance Establishing ‘Menstruation Day Privilege’ To Female Employees Of The Municipal Government Of Tangalan, Aklan To Work-From-Home (WFH) Two (2) Days A Month While They Have Their Periods, Providing Funds Thereof And Likewise Encouraging Other Government And Private Offices In The Municipality To Do The Same.”
Sinabi ng Aklan Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) na ito ang kauna-unahang ordinansa kaugnay sa menstruation privilege ng mga kababaihan sa mga tanggapan ng gobyerno sa lalawigan.
Ang dalawang araw na Menstruation Day Privilege ay pwedeng ma-avail ng lahat ng babaeng empleyado maging regular man, casual, job order, o Contract of Service sa munisipyo ng Tangalan.
Bukod sa work-from-home arrangement, kasama rin dito ang pagibigay ng mga menstrual kits kada buwan sa lahat ng mga kwalipikadong babaeng empleyado.