Connect with us

Aklan News

Mga Barangay sa Malinao, Aklan, Nilagay sa Restricted Status dahil sa dalawang Kumpirmadong Kaso ng African Swine Fever

Published

on

Mga Barangay sa Malinao, Aklan, Nilagay sa Restricted Status dahil sa dalawang Kumpirmadong Kaso ng African Swine Fever

Naiulat na dalawang kaso ng African Swine Fever (ASF) ang kinumpirma ng Pamahalaang Lokal ng Malinao, Aklan. Ayon sa Clinical Laboratory Result RLA 23-1-1036 na ipinalabas noong Hulyo 11, 2023 at ipinadala sa LGU noong Hulyo 13, 2023 ng Kagawaran ng Agrikultura, ang mga positibong kaso ng ASF ay naitala sa Sitio Agsagnay at Cagbuaya (Purok 5) sa Barangay Liloan (MAL-06) at Barangay Cogon (MAL-07) sa Malinao, Aklan.

Dahil dito, ilalagay na sa ilalim ng restricted status ang mga nabanggit na lugar. Anumang buhay na baboy, karneng baboy at mga produktong baboy sa loob ng 500 metro radius mula sa apektadong lugar ay hindi na papayagang ilipat o i-transport palabas ng restricted area. Kaugnay nito, hindi na rin mag-iisyu ng barangay certification mula sa mga lugar na ito.

Samantala, pinapakiusapan ang lahat ng Punong Barangay sa 21 barangay ng Malinao na walang kumpirmadong kaso ng ASF na mahigpit na bantayan ang pagkilos or paglipat ng mga baboy sa kanilang mga lugar at hikayating makipag-ugnayan sa Office ng Municipal Agriculturist at Malinao Police Station para sa mga aktibidad ukol sa pagbabantay sa ASF.

Pahayag pa ni Mayor Josephine I. Iquina, “Salamat sa inyong patuloy na pakikiisa sa mga panahong ito.” Ang anunsyo ay ginawa niya kahapon ika-14 ng Hulyo, 2023.

Local Government Unit of Malinao, Aklan Press Release