Connect with us

Aklan News

Mga baril at bala, nasabat ng otoridad sa search warrant ops sa isang bahay sa Dingle, Banga

Published

on

NASAMSAM ng otoridad ang mga baril at bala sa ikinasang search warrant operation sa isang bahay sa Sitio Agpanoon, Dingle, Banga bandang alas-5 kaninang umaga, Abril 11.

Ang bahay ay pagmamay-ari ng subject person na si Jomar Lachica, 44 anyos at residente ng nasabing lugar.

Nakuha mula sa bahay ng subject ang Calibre 45, Calibre 22 at isang homemade shotgun kasama na ang mga bala at magazine.

Sa ngayon ay nakakulong si Lachica sa Banga MPS para sa karagdagang dokumentasyon.

Mahaharap si Lachica sa kasong paglabag ng RA 10591 o Comprehensive Law of Firearms and Ammunition Act.

Ang operayon ay ikinasa ng Aklan Provincial Intelligence Unit (Aklan PIU) na pinangunahan ni PMaj Jerome Manahan sa tulong ng Banga MPS.