Connect with us

Aklan News

Mga basura ng mga maglovers natagpuan sa DENR forest area ngayong Valentine’s

Published

on

Photo| Gerold Tausa

Kita sa mga larawang ito na ibinahagi ng isang Department of Environment and Natural Resources (DENR) personnel ang mga basurang iniwan ng maglovers sa isang forest area sa Aklan na iniaalagaan ng DENR.

Pero hindi lang simpleng basura ang natagpuan ng mga taga-DENR. Makikita sa mga post ni Gerold Tausa ang larawan ng isang gamit na condom at isang naiwang notebook ng estudyante sa forest area sa Brgy. Jawili, Tangalan.

“Fresh from the farm!!” panimula ng DENR personnel sa kanyang post. Sa sobra daw pagmamadali ng magkasintahan baka maabutan sila, naiwan sa lugar ang notebook ng isang babaeng estudyante.

“Eto po yung sinasabi kong basurang iniwan nyu kanina lang. Tska girl. Naiwan mo yung notebook. Sa sobrang dali nyu magbihis…,” dagdag pa ni Gerold. “Hay paki kuka nalang sa Jawili DENR guardhouse yung notebook mo.”

Natuklasan na may quiz paper na nakaipit sa notebook kung saan napuna rito ang kaniyang mababang grade. “Tsaka mag aral ka mabuti pati quiz mo 5/20 bagsaka ka po. Hahaha. Unahin kasi muna pag aaral bago ang panadaliang sarap.πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚,” panawagan ng netizen.

Mababatid na una nang nagpaalala ang pamunuang ng DENR sa mga pupunta sa Jawili DENR vicinity, na huwag tumambay at magkalat sa forest area. Nagpaalala rin sila na mag-iikot ang kanilang mga tauhan para masiguro ang kaligtasan ng ating kalikasan.

Mababatid na ang lugar na ito ay ginagawa nang dating area ng mga magkasintahan na kapos ang budget at ginagawa na ring “motel” ng ilan.