Connect with us

Aklan News

Mga binatilyo, umano’y suspek sa likod ng nakawan sa Numancia public market

Published

on

Lumantad sa kopya ng CCTV ang dalawang grupo ng binatilyo na hinihinalang may kagagawan sa nangyaring nakawan sa ilang mga pwesto sa Numancia Public Market.

Matatandaang, lima sa mga pwesto ang nabiktima ng mga ito kung saan natangay ang iba’t-ibang mga paninda gaya ng mga gulay, sibuyas, bawang at iba pang pampalasa, mga groceries at itlog gayundin ang kanilang mga iniwang barya.

Samantala sa pagcheck ng CCTV sa lugar doon tumambad bandang alas-9:00 kagabi ang tatlong mga maliit na binatilyo na may bitbit na mga plastic.

Ilang oras ang makalipas, may nakita ring dalawang binatilyo sakay ng motorsiklo at una’y lumibot lang sa lugar.

Ngunit bumalik muli ang dalawa na naglalakad na dakong alas-12:44 ng madaling-araw at doon na nagsimulang maghalungkat ng mga pwesto.

Kita pa roon na halos isang oras na nasa loob ng isang pwesto ang mga ito bago lumabas na may dala na ring lagayan ng pera, mag-aalas-2:00 na ng madaling araw.

Napag-alaman na may bantay rin sa lugar ngunit nang mangyari ang insidente ay tapos na itong mag roving sa naturang section.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Numancia PNP para matukoy ang naturang mga kawatan.