Connect with us

Aklan News

Mga colorum na traysikel sa Kalibo, bibigyan ng prangkisa?

Published

on

Nais ngayon ni Transport and Traffic Management Division (TTMD) head Ms. Vivien Briones na mabigyan ng prangkisa ang mga colorum na traysikel na pumapasada sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Briones nais niya ipatupad ang implementasyon ng Night Tricycle Franchise.

Aniya pa, ang Night Tricycle Franchise ay nakasaad sa Article 3 section 55 hanggang section 75 ng bagong traffic code ng Kalibo.

“Daya ngara nga Night Tricycle Franchise hay dikara kunta masolbar ro aton nga problema sa aton nga mga colorum especially pang-gabie nga nagabiyahe hay kaeabanan hay colorum,” saad ni Briones.

Dagdag pa niya, karamihan sa mga bumabyahe sa gabi ay mga traysikel na colorum dahil limitado na lamang ang mga bumabyaheng traysikel na may prangkisa.

Kaugnay nito, nagpadala ng sulat si TTMD head Briones kay Mayor Juris Sucro hinggil sa implementasyon ng Night Tricycle Franchise kung saan inindorso naman ito ng alkalde sa Sangguniang Bayan ng Kalibo.

Kung sakali man ayon kay Briones na ma-implement ito, ang mga colorum na traysikel ay maaaring pumasada mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.