Connect with us

Aklan News

MGA DI BAKUNADO SA NABAS, DI MAKAKAPASOK SA MUNISIPYO AT PUBLIC MARKET

Published

on

Pinagbawalan na ng lokal na pamahalaan ng Nabas na pumasok sa municipal government offices at public market, ang mga indibidwal na hindi pa nakatatanggap o partially vaccinated palang ng COVID-19 vaccine.

Batay ito sa Executive Order No. 117 Series of 2021 ni Mayor James Solanoy ng Nabas na may titulong “An Executive Order Providing Guidelines on the Implementation of Alert Level System Number 2 for COVID-19 Response in the Municipality of Nabas, Aklan.”

Nakasaad dito na lahat ng mga indibidwal na hindi bakunado ay di na makakasagawa ng anumang transaksyon sa munisipyo kung hindi pa bakunado o walang maipapakitang negative RT-PCR test result.

Ayon kay Solanoy, Nabas ang pinakakulelat na bayan pagdating sa vaccination rollout sa buong Aklan base sa report ng Department of Health (DOH) at marami pa ang kanilang supply ng bakuna na nakatengga dahil maraming ayaw magpabakuna.

Naalarma rin ang alkalde dahil marami pa rin sa kanyang mga nasasakupan hanggang sa ngayon ang naniniwala sa mga “zombie” at masamang epekto ng bakuna kontra COVID-19.

“May mga nahadlok ta gihapon sa zombie,” lahad ni Solanoy.

Sinabi pa ni Solanoy na kapag ayaw nilang magpabakuna ay ibabalik nalang niya ang lahat ng bakuna sa DOH.

Umapela din siya sa publiko na makipagtulungan sa gobyerno at magpabakuna na para maprotektahan sila laban sa COVID-19 dahil darating ang araw na malilimitahan na ang lahat ng galaw ng mga taong di pa bakunado.