Aklan News
Mga drones na walang permit sa Ati-Atihan, ipi-pindown ng PNP
Ipi-pin down ng PNP ang mga drones na lilipad sa Kalibo Ati-Atihan Festival na walang permit.
Paliwanag ni PCPT. Aubrey Ayon, Deputy Chief for Operation ng Kalibo PNP, kailangan nilang ipatupad ang major event security framework dahil ang Ati-Atihan Festival ay ikinukunsiderang major event ng PNP.
Isa na dito ang pagregulate sa operasyon ng mga drones.
Katunayan aniya ay mayroong ordinansa sa Kalibo kaugnay sa pagpapalipad ng mga drone.
Ito ang Ordinance No. 2018-031 o an Ordinance Regulating the Operation of Aircrafts and Unmanned Aircraft vehicles o ang tinatawag na drones.
Nakasaad dito na pwedeng multahan ng P500 ang mga susuway sa ordinansa na may first offense, P2000 sa second offense at P2500 sa third offense at ang mga ipi-pin down na drones ay itu-turn over sa CAAP.
Ayon sa PNP, strikto nilang ipatutupad ang ordinansa dahil seguridad dito ng mga dadalo sa Ati-Atihan ang nakataya.
Ang mga drones kasi ay maaring gamitin ng mga terorista sa pambobomba.
“Striktohan gid dahil at stake kara ro security eh. Its been two years abi kita nga uwa ka full celebrate it Ati-Atihan. Although uwa kita it threats nga nakikita pero mayad nga ready eagi kita,” saad niya.
Noong Martes, nagtapos ang pagtanggap ng Kalibo Tourism Office ng aplikasyon ng mga permit para sa drones.
Magsisimula naman ang kanilang pagpapatupad ng ordinansa sa Enero 6, pag-umpisa ng mga aktibidad sa Ati-Atihan.