Connect with us

Aklan News

MGA AKLANON NA ESTUDYANTE NA NASTRANDED SA ILOILO CITY, BINIGYAN NG CASH ASSISTANCE NI CONG. TED HARESCO

Published

on

Sinagot ni Aklan 2nd District Cong. Teodorico “Ted” Haresco ang panawagan na tulong ng mga estudyante na naabutan ng enhanced community quarantine sa syudad ng Iloilo.

Binigyan ng kongresista ng tig P3000 ang 7 estudayante na mga taga Nabas, kung saan mahigit dalawang buwan nang stranded sa Iloilo city, matapos nya itong i-coordinate sa DSWD Region 6.

Ito ay sina Reymark Balidio, Harvey Lagman, Rene Boy Sespeñe, Jhon Fhil Maestre, Jorrick Sumanga lahat nag aaral sa University of Iloilo na nakatanggap ng cash assistance noong Martes, Abril 28, at Kayla Tayad na stranded sa Molo, Iloilo na nakatanggap din ng financial assistance kahapon.

Ang isang estudyante na umano’y Person Under Monitoring ay bibigyan din ng cash assistance pagkatapos ng 10 araw.