Connect with us

Aklan News

MGA ESTUDYANTE SA LASERNA INTEGRATED SCHOOL, BALIK SILID-ARALAN NA

Published

on

Photo Courtesy| DepEd Philippines

Masiglang bumalik ang mga estudyante ng Laserna Integrated School sa bayan ng Nabas, Aklan ngayong Lunes, uanng araw ng pilot implementation ng face-to-face classes sa buong bansa.

Sinalubong sila ng kanilang mga guro mula sa gate ng paaralan.

Lahat ng papasok sa paaralan ay kailangan munang dumaan sa washing area, temperature checking, at triage area upang masiguro na nasusunod ang mga health protocols para sa kaligtasan ng mga estudyante, guro at mga magulang.

Isa ang Laserna Integrated School sa mga piling paaralan sa bansa na magkakaroon ng face-to-face classes.

Pero mula kinder hanggang grade 3 lamang ang papayagang magkaroon ng F2F classes.

Ayon pa sa panuntunan magtatagal lamang ng tatlong oras ang klase, dalawang linggo sa isang buwan at 12 estudyante lamang ang papayagang makapasok sa silid aralan.

Matatandaan na ang Laserna Integrated School sa Nabas lamang ang tanging paaralan na pasok sa mga napiling magkaroon ng limited F2F classes sa buong lalawigan ng Aklan dahil sa mababang kaso ng Covid 19 sa lugar.