Connect with us

Aklan News

Mga Frontliners sa Kalibo Provincial Hospital, umaapela ng Donasyon na PPE

Published

on

Umaapela na ng donasyon ang mga frontliners ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial para sa mga donasyon ng Personal Protective Equipment (PPE).

Ang mga kailangan nilang mga improvised PPE ay raincoat na magsisilbing gown, faceshield mula sa mga donors, at plastic bag bilang shoe cover.

Kailangan din umano nila ng disinfectants/bleach, mga germicidal soap, alcohol, surgical caps, gloves, thermal scanner, mga pagkain, vitamins, at misting area. 

Binigyaang diin din nila ang kahalagahan ng test kits.

Sa mga gustong mag-donate, mangyaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod para sa nararapat na monitoring at accountability ng mga supplies:

Iris M. Nacilla, RN, MN

NSO-DRSTMH

Office number: (036) 2687062 loc 143

Joann Q. Indelible

Medical Station 2 Ward DRSTMH

Mobile: +639994266713