Connect with us

Aklan News

Mga high school students, pinupuntirya ng mga drug pusher sa Aklan – PMAJ Andrade

Published

on

Maituturing umano na ‘alarming’ sa ngayon ang pagkakasangkot ng mga menor de edad sa mga illegal na droga sa lalawigan ng Aklan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PMAJ. Frensy Andrade, OIC COP ng Kalibo PNP at head ng PDEU Aklan, pinupuntirya umano ng mga durugista ang mga menor de edad at mga high school students.

Aniya, sa murang edad ay pinapatikim na umano nila ng droga ang mga ito para maadik at maging kanilang mga parokyano.

Laganap na rin umano ngayon ang online transactions sa droga kaya madali lang sa mga menor de edad na bumili.

Sa katunayan, may mga Facebook Page umano na ginawa para magbenta ng mga marijuana.

Kaugnay nito, hinimok ni Andrade ang mga magulang ng mga kabataan na bantayang maigi ang kanilang mga anak at imonitor ang kanilang paggamit ng cellphone nang sa ganun ay maiwasan na masangkot ang mga ito sa iligal na droga.