Aklan News
MGA HINDI BAKUNADO, HINDI MAKAKAPASOK SA KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT
Hindi na makakapasok sa Kalibo International Airport ang mga indibidwal na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) –Aklan Engr. Eusebio Monserate Jr., kung wala umanong may maipakita na vaccination card ay hindi nila papapasukin sa bisinidad ng paliparan.
Pahayag pa nito na mayroon silang authority order na dapat bakunado ang lahat ng mga papasok sa Kalibo Internation Airport.
Binigyan-diin ni Monserate na sa nasabing polisiya ay kasama ang mga indibidwal na papasok sa paliparan maliban na lamang sa mga mayroong exemption.
“To be clear, ang aton diri nga polisiya is it include every individual nga magasulod diri sa aton sa paluparan, provided nga may ara siya nga exemption”, saad ni Monserate.
Dagdag pa nito na kung excempted ang nasabing indibiwal sa pagbabakuna, pinapayagan nila itong makapasok gayundin ang may mga essential na trabaho.
Ngunit kung maaari aniya ay hinahanapan pa rin nila ang mga ito ng vaccination card kahit na ang mga drayber na pumapasok sa KIA.
Kahit ang mga naghahatid ng pasahero o ang mga susundo sa mga pasahero ay kailangang magpakita ng vaccination card.
“…kung excempted siya sa pagbakuna, gina–allowed man naton kag kung may mga essential sa nga trabaho, pero as much as posible gina pangitaan gid naton sanda sang vaccination card, and it applies to all. Even the drivers ag kung sin-o man nga nagsulod diri sa aton, o ang pagdul-ong o pagsugat sa mga pasahero diri, ginapangitaan gid naton sang vaccination card”, ani Monserate.
Samantala, simula nitong Lunes, Enero 17 ay nagpatupad na rin ng “no vaccination, no ride/fly” policy ang Kalibo Internation Airport alinsunod sa ipinapatupad na patakaran ng Department of Transportation (DOTr).