Connect with us

Aklan News

MGA HINDI PA BAKUNADONG AKLANON, BABAKUNAHAN SA “BAYANIHAN, BAKUNAHAN” NATIONAL VACCINATION DRIVE NG PAMAHALAAN

Published

on

Photo Courtesy|Provincial Health Office

Sa pag-umpisa ng Bayanihan, Bakunahan” National Vaccination Drive ng pamahalaan, target ng probinsiya ng Aklan na mabakunahan ang natitirang populasyon na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay J-Lorenz Dionesio, Nurse III ng Provincial Health Office (PHO)-Aklan ito ay upang maabot ng probinsiya ang herd immnunity bago matapos ang taong kasalukuyan.

Pahayag ni Dionesio, umaabot na sa 50% ng populasyon ng probinsiya ang nabakunahan kaya nais nilang mabakunahan ang mahigit walong libo pa na mga Aklanon.

Saad pa nito na upang mas mabilis nilang magawa ito sa halip na tatlong araw, ginawa nilang pitong araw ang “Bayanihan, Bakunahan” National Vaccination Drive na nagsimula na nitong Huwebes, Nobyembre 25 at magtatapos sa Disyembre 1.

Ang nasabing national vaccination drive sa probinsiya ng Aklan ay bukas sa mga walk-in applicants na nais magpabakuna na edad 18 anyos pataas at sa pediatric age na 12-17 years old sa ABL Sports Complex.

Maliban dito, suportado rin ng lahat ng LGUs ang Bayanihan Bakunahan Program upang maabot hindi lamang ng probinsiya ng Aklan kundi ng buong bansa ang herd immunity.