Connect with us

Aklan News

MGA INTERNET PROVIDER SA KALIBO, GUSTONG IPATAWAG NI VM CYNTHIA DELA CRUZ AT IPAGPALIWANAG SA MABAGAL NA SERBISYO

Published

on

Internet Speed test

BALAK ngayon ni Vice Mayor Cynthia Dela Cruz na ipatawag ang mga internet provider sa bayan ng Kalibo para ipaliwanag ang bagsak na serbisyo ng internet sa bayan ng Kalibo.

“So naisipan ko nga kung puwede nga ipatawag naton sanda, mga internet provider ngara para ma-identify naton ro problema, siin baea ro may problema,” pahayag ni Vice Mayor Dela Cruz.

Ayon sa bise alkalde, maraming dahilan kung bakit nakararanas ng mabagal na serbisyo ng internet dahilan na mas maigi aniya na pag-usapan ito para mabigyan ng solusyon.

Dagdag pa niya, ito ay para malaman kung ano ang problema at mapag-usapan kung paano matutulungan ang mga internet provider lalo na kung pagdating sa legislation.

Sa panahon ngayon ayon kay Dela Cruz, malaking bagay ang mabilis na internet connection dahil ginagamit ito ng mga estudyante at guro sa online classes pati na ang mga negosyante na nakadepende sa internet ang negosyo lalo na ang mga online seller.

Aniya pa, kahit ang kanilang tanggapan ay apektado rin ng mabagal na internet services.

Dahi dito, itinutulak ngayon ni VM Dela Cruz ang isang resolusyon na humihiling sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na i-upgrade ng mga internet service provider ang kanilang internet services sa bayan ng Kalibo.