Connect with us

Aklan News

Mga kandidato sa BSKE 2023, obligadong magparehistro sa BIR

Published

on

OBLIGADO ang mga kandidato na tatakbo sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 na magpa-rehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay Mr. Jojit Paderes ng BIR-Aklan ito ay isang regulasyon sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular 22-2022 kung saan nag-uutos na ang lahat ng mga kandidatong nagsumite ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec ay obligadong magparehistro.

“Actually daya nga regulation ngara hay nag-umpisa sa Revenue Memorandum Circular 22-2022 nga naga-state o naga-mandate nga tanan nga nagfile it candidacy sa aton nga Comelec hay obligado man nga mag-register sa BIR,” pahayag ni Paderes sa panayam ng Radyo Todo.

Aniya pa, applicable ito sa lahat ng mga political candidate na indibidwal at mga partido na tatakbo sa darating na halalan.

“Siyempre naga-aspire ka, naga-aspirar ka nga mag-practice it imo nga profession sa aton nga pinakama-isot nga unit it aton nga government which is the barangay, kailangan naton nga mag-register,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Paderes, ang registration fee para sa bawat kandidato ay limandaang piso.

“So ro registration fee abi hay bukon ta imaw it tax ron, bukon ta imaw it taxes. It is a fee. So may aton eang nga P500 nga registration fee para maging member ka it sangka political organization,” paglilinaw pa nito.

Sa mga magpaparehistro, maaaring i-download ang Form 1901 o registration form sa website ng BIR.

Kailangan lamang ng isang government ID, ang itinakdang registration fee at kopya ng kanilang COC mula sa Comelec.

Samantala, hiniling naman ng BIR sa mga kandidato na magparehistro na bago magsimula ang campaign period sa Oktubre 19 hanggang Oktubre 28, 2023.