Connect with us

Aklan News

Mga KAP member nais isailalim ni SB member Marte sa traffic management training

Published

on

Nais ni Sangguniang Bayan member Ronald Marte na isailalim sa traffic management training ang mga miyembro ng Kalibo Auxillary Police (KAP).

Ito ay sa pamamagitan ng kanyang isinulong na resolusyon sa Sangguniang Bayan.

Aniya pa, napapansin niya na mayroong iilang mga KAP member ang hindi nagagawa ng tama ang kanilang trabaho.

“Sa makaron abi nakikita man naton kung ano ro sitwasyon it trapiko sa banwa it Kalibo, kun amat baea hay owa naga-function it husto,” saad ni Marte.

“Ro iba mat-a hay naga-function mat-a, bukon man it tanan, But kaabuan gid-a hay owa tana ay idto ta naga-istorya sa binit,” dagdag nito.

Pahayag pa ng konsehal na dapat ang bawat KAP member ay marunong at may-alam tungkol sa ordinansa ng bayan ng Kalibo.

Mahalaga aniyang sumailalim ang mga ito sa seminar or kung maaari ay ma-orient sila kung ano ang dapat nilang gawin.

Napansin din ni Marte na may iilang mga KAP member ang hindi marunong mag-isyu ng ticket at kung ano ang dapat na i-issue.

Hindi naman naniniwala si SB member Marte na kulang ang bilang ng mga auxillary police sa Kalibo.

Sa katunayan aniya ay marami sila subalit kaunti lamang ang nagpa-function.

Mas makabubuti pa umano na isa lang ang naka-assign sa isang lugar kaysa apat na iisa pa rin naman ang gumagawa ng kanilang trabaho.

“Kaya dapat gid i-training sanda. I know ro iba kanda hay bag-uhan pero sobra eon kita nga six months, dapat abi karon gin-umpisahan naton after 3 months… nga gin-training eagi naton sanda ag gintaw-an it tama nga uniform,” dagdag na pahayag ni Marte.