Connect with us

Aklan News

MGA KAPULISAN, MAHIGPIT NA MAGBABANTAY SA POSIBLENG PAGSULPUTAN NG ILLEGAL E-SABONG SA AKLAN

Published

on

MAHIGPIT na magbabantay ang mga kapulisan sa posibleng pagsulputan ng illegal e-sabong sa lalawigan ng Aklan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay P/Maj. Willian Aguirre ng Aklan Police Provincial Office -Provincial Intelligence Branch, sinabi nito inaasahan talaga nila na maglilitawan ang iligal na operasyon ng online talpakan kasunod ng mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng ng nabanggit na sugal.

Amindo rin si Aguirre na naging masama ang dulot ng e-sabong lalo na sa mga ordinaryong mamamayan, sa pamilya at mismong sa mga sabungero.

Naging bisyo na rin aniya ito ng iilan kung kaya’t nahihirapan na silang makawala.

Kaugnay nito, makikipag-coordinate aniya sila sa lahat ng Local Government Units (LGUs) dahil sila ang may kapangyarihang maglabas ng closure order para dito.

Magugunitang naging­kontrobersiyal ang e-sabong dahil sa pagkawala ng mahigit 30 sabungero na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakikita ng kanilang mga kamag-anak.

Continue Reading