Connect with us

Aklan News

Mga kapulisan sa bayan ng Malay, tourist-oriented – PLtCol De Dios

Published

on

Lubos na ipinagmamalaki ni PLtCol Don Dicksie De Dios hepe ng Malay PNP na tourist-oriented ang mga kapulisan sa isla ng Boracay.

Ayon kay PLtCol. De Dios, ang lahat ng mga pulis na ma-assign sa isla ng Boracay ay isinasailalim muna sa isang araw na orientation.

Dito, tinuturuan sila kung paano ang tamang pakikitungo sa mga turista.

Itinuturo din sa mga ito ang proper bearing o tamang pananamit para sa kanilang hanay.

Ang pinaka-mahalaga ayon kay De Dios ay ang tamang pakikipag-usap sa mga turista.

Binigyan-diin ng hepe ng Malay na sa pamamagitan nito ay mas mabibigyan ng assurance ang mga bisita at turista na sila ay ligtas habang sila ay nananatili sa isla.

“On our level, lahat ng mga pulis na ma-assigned dito [Boracay Island] meron silang 1-day orientation dito sa atin. Specifically on how they deal sa mga tourist natin dito. How they talk, pati yung kanilang bearing, lalo na yung pakikipag-usap… yung communication, lahat ‘yan tinuturo namin sa kanila kung ano ang proper,” pahayag ni PLtCol. De Dios.