Connect with us

Aklan News

MGA KILOHAN SA BORACAY, DAPAT IPA-CALIBRATE

Published

on

Boracay Island – Pinaalalahanan ni Malay Municipal Treasurer Dediosa Dioso ang lahat nang gumagamit ng kilohan sa kanilang mga paninda sa Boracay na ipacalibrate ang mga ito para makakuha ng business permit sa susunod na taon.

Ayon kay Dioso, darating sa November 11 to 15 ang mga taga Department of Science and Technology mula sa regional office para isagawa ang calibration.

Ito ay gaganapin sa Balabag Plaza, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Dahil dito ay kailangang dalhin ng mga manininda ang kanilang mga kilohan lalo na ang mga ginagamit sa mga talipapa at restaurants na kinikilo muna ang ipapaluto.

Ang mga kilohan na hindi nakapacalibrate sa Caticlan noong nakaraang Oktubre 28 ay maari pa ring magpacalibrate sa Balabag.

Pagkatapos ng petsa ng Calibration Caravan ay magsasagawa ng random inspection ang LGU Malay at ang mahuhuling hindi calibrated na kilohan ay kukumpiskahin at pagbabayarin ng multa ang may ari at ang malala ay baka hindi na makapagrenew ng business permit.