Connect with us

Aklan News

Mga kumakalat na online posts tungkol sa umano’y couple serial killers na nakita sa boracay, fake news –Malay MPS

Published

on

Nilinaw ng Malay Municipal Police Station na walang katotohanan o fake news lamang ang mga posts na kumakalat sa social media kaugnay sa umano’y mag-asawang serial killers na nakita sa Boracay.
Batay ito sa inilabas na public advisory ng Malay PNP ngayong araw, Abril 15.
Ani Malay MPS, “We would like to address recent concerns regarding a social media post claiming that a dangerous couple—allegedly serial killers—have were seen here on Boracay Island. We want to make it clear that there is no truth to this information.”
Samantala, maaari namang maharap sa kaukulang kaso ang mismong nagpakalat ng nasabing hindi makatotohanang impormasyon dahil nagdulot ito ng panic sa mga residente at makakasira rin sa reputasyon at kapayaan ng kumunidad.
Nagpaalala naman ang mga awtoridad na tigilan na ang pagshare ng nasabing fake news at ugaliing i-verify kung tama at wasto ang impormasyong ipino-post sa online. l via RNO