Aklan News
Mga local vloggers, inirekomendang bigyan ng all access pass sa Kalibo Ati-Atihan Festival
INIREKOMENDA ng Sangguniang Bayan ng Kalibo ng mabigyan ng all access pass ang mga kwalipikadong vloggers sa darating na Sto. Niño Ati-atihan Festival 2025.
Ito ay sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Kalibo.
Ayon kay SB member Matt Aaron Guzman, layunin ng nasabing resolusyon na maglatag ng mga regulasyon kung sino ang mga karapat-dapat at kwalipikadong mabigyan ng nasabing All Access Pass.
Ang nasabing All Access Pass ay para sa lahat ng aktibidades sa weeklong celebration ng Ati-atihan Festival.
Para magkaroon nito, kailangan munang magpa-rehistro ang mga vloggers sa mga Event Managers ng Ati-Atihan Celebration.
Sa pamamagitan nito, maipapakita sa buong mundo ang masaya at makulay na selebrasyon ng ‘Mother of All Philippine Festivals’, ang Kalibo Sto. Niño Ati-atihan.