Connect with us

Aklan News

Mga LSIs pwede nang makauwi ng Aklan

Published

on

MAKAKAUWI na sa Aklan ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) matapos maglabas ng panibagong advisory ang Department of Interior and Local Government (DILG) Region 6.

Nakasaad sa advisory na inilabas kahapon ang pagbawi ng temporary suspension ng moratorium sa pagpapauwi ng LSIs sa Aklan at Capiz.

Nauna na kasing nagpalabas ng Resolution No. 71, Series of 2020 ng IATF noong September 15 na binabawi ang pagpapatigil sa pagpapauwi ng mga balik-probinsyang residente ng Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Antique, at Iloilo City.

Pinaaalahanan din ang mga LGUs na i-update ang Quarantine facilities Trackers para sa LSIs at ROFs (Returning Overseas Filipino).

Nakapagtala na ngayon ng 105 total COVID-19 cases ang Aklan kung saan 59 dito ang active cases, 39 ang recoveries at 7 ang naitalang namatay.