Aklan News
MGA LUMABAG SA COVID 19 PROTOCOLS SA BUONG AKLAN UMABOT SA HALOS 20K
Umabot sa kabuuang 19,446 ang mga nawarningan at pinag multa ng kapulisan dahil sa paglabag sa COVID-19 health protocols sa buong lalawigan ng Aklan.
Ito ay basi sa datus ng Aklan Police Provincial office simula Mayo 26 hanggang Hulyo 18, 2021.
Pinakamarami dito ay ang mga lumabag sa hindi pagsusuot ng facemask na umaabot sa 8,687, sinusundan ng mga lumabag sa social distancing na nakapagtala ng 6,528.
Samantala nakapagtala rin ng kabuuang 2,854 ang mga lumabag sa curfew at 1,377 naman ang mga lumabag sa hindi pagsusuot ng faceshield.
Nito lamang July 12-18 ay nakapagtala rin ng 12 na lumabag sa social gatherings/liquor ban na nagmula sa bayan ng Banga 1, Newasington 8 at 3 sa bayan ng Numancia.
Continue Reading