Connect with us

Aklan News

Mga magulang ng mag-aaral at street vendors nakatanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Kalibo

Published

on

Malaki ang pasasalamat ng mga magulang ng 30 mag-aaral sa Kalibo matapos makatanggap ng Educational Assistance mula sa lokal na pamahalaan kahapon.

Kasabay nilang tumanggap ng tulong pinansyal ang sampung street vendors na isinailalim sa validation ng Municipal Social Welfare Development (MSWD).

Ang bawat isang magulang ng estudyante ay nakataggap ng tig P3,100 at ang mga street vendors naman ay nakatanggap ng P10,000 bawat isa.

Mensahe ni Kalibo Mayor Juris B. Sucro sa mga nakatanggap ng tulong, dapat pag-ibayuhin ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral para sa kanilang kinabukasan.

Samantala, sabi naman niya sa mga street vendors, dapat nilang palaguin ang kaunting tulong pinansyal para makatulong sa kanilang mga pamilya.