Connect with us

Aklan News

Mga ‘makakaliwang grupo’ diniklarang Persona Non Grata sa Roxas City

Published

on

Isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panglungsod na nagdideklara sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army, at National Democratic Front o CPP-NPA-NDF bilang Persona Non Grata sa Roxas City.

Batay ito sa Executive Order 70 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayong matigil ang kaguluhang dulot ng ‘makakaliwang grupo’ at pagbuo ng National Task Force kaugnay rito.

Ang nasabing resolusyon ay inakdaan ni Konsehal Garry Potato, chairman ng Committee on Police and Peace and Order, kasunod ng sulat-hiling ni PLt. Col. Ricardo Jumua Jr., hepe ng Roxas City PNP, sa Sangguniang Panglungsod.

Ayon kay Konsehal Potato, kasama sa deklarasyong ito ang lahat ng mga komunistang at mga teroristang grupo. Nais rin sana aniyang isama ang lahat ng legal front subalit wala umano silang ebidensiya rito.

Samantala, naniniwala si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año na ang pagdedeklara ng mga pamahalaang lokal sa CPP-NPA-NDF bilang persona non grata ay isa aniyang malaking tagumpay.

“Declaring CPP-NPA-NDF as persona non grata is a bold move from these LGUs and we commend them for their support to President Duterte and the national government’s efforts to rid our country of these communist-terrorist groups,” minsan pang sinabi ng hepe ng DILG.

Patuloy na hinihikayat ng DILG ang iba pang mga pamahalaang lokal na gawin din ang parehong hakbang para masawata ang mga “makakaliwang grupo” at mapanatili ang kapayapaan sa buong bansa.